Linggo, Oktubre 25, 2009

Unfortunate Accident

Saturday night. Ako ay papauwi na at magrereview dahil sa lunes ay finals na namin. may nagtxt at pinapapunta ako sa padi's. nagisip ako kung anong meron, wala naman. walang may bday. wala din namang may anniversary. inisip ko nalang na nalimot ko yung bday nila at cinecelebrate nila ito ngayon.

ako namang si kapunta, diretso naman dun kahit anaka uniform pa. ok lang, mukha naman kasing employee lang ng drugstore eh. nandoon nga sila. 3 lang sila. at walang kandarapa sa kakapindot sa cellphone dahil naghahanap din ng makakasama. tumagal na ang gabi at wala pa ding pumupunta. ako lang ang naloko nila. habang kumakain at nagkekwentuhan, may isang grupo sa likod namin na masyadong mainit ang diskusyon. umiiyak yung isang ate. di ko alam, parang ok lang, di ako affected. pagkatapos makain ang makain at mainom ang mainom, lumakad na kami at napagusapan namin ung nangyari dun sa isang table nga. sabi ng mga ksama ko, nawalan naman pala daw siya ng cellphone. sabi ko sa sarili ko, nakoo pag ganitong mga pangyayari, kinakabahan ako. sana matapos ang gabi at makauwi kami ng buo pa at kumpleto ang gamit.

naglakad kami papuntang sakayan. napakalayo kasi yung terminal dun, wala ng mga jeep kasi late na nga. after 20mins of walking, nakahanap na kami ng jeep. 4 kami. ang pwesto namin, 2 sa left dulo, 2 sa right dulo, malapit sa pintuan. imagine mo na lang. tapos, tumabi sa right side isang lasing na matanda. lasing talga as in. gumegewang gewang na ang ulo, napapasandal nga sa balikat ng kasama ko. tapos nag abang ang jeep ng mga pasahero(oo alam ko hindi nagaabang ang jeep ng pasahero kundi si manong driver). dumami bigla ang pasahero, puno na. tapos may isang medyo mataba na lalaki ang sumakay sumunod sa kanya ang isang lalaki din na may black backpack. nang humarurot na ang jeep, yung malaking lalaki, pasimpleng kinukuha ung wallet ng lasing. ung kaliwang kamay nya, nakahawak sa hawakan(ngeh?). tapos ung kanang kamay nakaikot sa bewang tapos kinukuha nga ang wallet. nakita ng 2 kong kaibigan yun, at sila'y natako kagad, kaya pumara kami. sa isip ko, bakit kaya, sayang yung binayad namin.

Nung pagbaba, tsaka ko lang nalaman, na ganun na nga. ako relax lang tapos sila tense na tense. STRIKE 2! ang tanga tanga ko talga di ko pa naobserve un. dala na rin siguro ng antok ko. after nun, kami ay nag taxi nalang at nakauwi naman ng maayos.

ANG DAMING TANGA! TANGA! TANGA.....

1 komento:

  1. Opportunistang magnanakaw yun ah! XD dapat dumeretso kayo sa opisina ng tulfo brothers. lols

    TumugonBurahin