Saturday night. Ako ay papauwi na at magrereview dahil sa lunes ay finals na namin. may nagtxt at pinapapunta ako sa padi's. nagisip ako kung anong meron, wala naman. walang may bday. wala din namang may anniversary. inisip ko nalang na nalimot ko yung bday nila at cinecelebrate nila ito ngayon.
ako namang si kapunta, diretso naman dun kahit anaka uniform pa. ok lang, mukha naman kasing employee lang ng drugstore eh. nandoon nga sila. 3 lang sila. at walang kandarapa sa kakapindot sa cellphone dahil naghahanap din ng makakasama. tumagal na ang gabi at wala pa ding pumupunta. ako lang ang naloko nila. habang kumakain at nagkekwentuhan, may isang grupo sa likod namin na masyadong mainit ang diskusyon. umiiyak yung isang ate. di ko alam, parang ok lang, di ako affected. pagkatapos makain ang makain at mainom ang mainom, lumakad na kami at napagusapan namin ung nangyari dun sa isang table nga. sabi ng mga ksama ko, nawalan naman pala daw siya ng cellphone. sabi ko sa sarili ko, nakoo pag ganitong mga pangyayari, kinakabahan ako. sana matapos ang gabi at makauwi kami ng buo pa at kumpleto ang gamit.
naglakad kami papuntang sakayan. napakalayo kasi yung terminal dun, wala ng mga jeep kasi late na nga. after 20mins of walking, nakahanap na kami ng jeep. 4 kami. ang pwesto namin, 2 sa left dulo, 2 sa right dulo, malapit sa pintuan. imagine mo na lang. tapos, tumabi sa right side isang lasing na matanda. lasing talga as in. gumegewang gewang na ang ulo, napapasandal nga sa balikat ng kasama ko. tapos nag abang ang jeep ng mga pasahero(oo alam ko hindi nagaabang ang jeep ng pasahero kundi si manong driver). dumami bigla ang pasahero, puno na. tapos may isang medyo mataba na lalaki ang sumakay sumunod sa kanya ang isang lalaki din na may black backpack. nang humarurot na ang jeep, yung malaking lalaki, pasimpleng kinukuha ung wallet ng lasing. ung kaliwang kamay nya, nakahawak sa hawakan(ngeh?). tapos ung kanang kamay nakaikot sa bewang tapos kinukuha nga ang wallet. nakita ng 2 kong kaibigan yun, at sila'y natako kagad, kaya pumara kami. sa isip ko, bakit kaya, sayang yung binayad namin.
Nung pagbaba, tsaka ko lang nalaman, na ganun na nga. ako relax lang tapos sila tense na tense. STRIKE 2! ang tanga tanga ko talga di ko pa naobserve un. dala na rin siguro ng antok ko. after nun, kami ay nag taxi nalang at nakauwi naman ng maayos.
ANG DAMING TANGA! TANGA! TANGA.....
Linggo, Oktubre 25, 2009
Huwebes, Oktubre 15, 2009
Jargon
Kung ang mga bakla ay may mga jargon., syempre kami ding mga dota players...
Note: pag di mo alam ang dota at di ka pa nakakalaro nito, di ka makakarelate dito...
merong chenelyn chorva sila, fafa, ampertush, at kung ano ano pa..
kami naman ay merong imba, slow hands at push, etc... hahahaha.. medyo long read siya, pero kung ok lang, basahin mo na.. imaginin mo habang binabasa mo kung pano sinasabi to.. REPOST lang to galing sa mineski.net/forum ah.. hindi to akin, natuwa lang ako kaya shineshare ko senyo.. iMBA MO PO SER.. XD
Another Note: hindi pa ito yung sinasabi kong ipopost ko... :D
When I'm with my DotA friends, iba talaga ang pananalita or way of speaking ng mga tao. It has evolved to a point na when speaking to a non-gamer/ DotA peeps nagkakaroon sila ng malaking "W" sa forehead nila.
So with my a little bit of research eto na siguro ang time para ma formalize ang mga salita/words na parating naririnig ng mga tao when you play DotA. Although I admit may mga salita or words din ako na pinauso with my Mineski family.
Feel free to contribute, comment, post anything na nakalimutan ko or you feel important para malaman.
First, we need to know certain grammar rules....balik tayo ng high school.
When I say Superlative it means eto na yung word to the highest level. It usually has the -est suffix in the end of the word or in Tagalog eto yung may "pinaka + filipino word"
Example:
English : great--->greater--->greatest = superlative
Filipino: mahusay--->mas mahusay---> pinakamahusay = superlative
Gets ba mga idol?
Ok let's start on the abbreviations
GG = Good game. Two letters na inaasam masabe ng kalabang team.
NG = Nice game.
GLHF = Good luck have fun. favorite word sa international events
TP = Town Portal. Ginagamit pang defend ng base o pang takas sa kalaban.
TP in ---> Mag def ka sa base
TP out --->Alis na payaso andyan na kalabanB = back o umatras ka
WTF = what the f*ck!
IMBA = Imbalanced. Sobrang lakas
IMBA si chunkieFF = focus fire.
FF + hero name --->patayin agad tong kalaban pag nag clashZZZ = sleepy sign or pag mali ang ginawa mo. Short for "ang bobo mo"
DotA Words + Expressions
Dita na magkakaalaman, Pinoy Style
Format:
"Word" = (synonym) meaning ng word
Example1 = Sentence 1
Example2 = Sentence 2
Examplen = Sentence n"Payaso" = (payasoi, hayasoi, Bozo), patawa ka sa game o sablay kang gumalaw. nakakatawa ka sa kalaban pero sa kampi hindi.
Ex. Payaso naman tong venge."Butaw" = pabigat ka sa team.
"Butaw Brothers" = pag dalawa ang butaw sa team mo.
"Anak ng mga butaw" = 4 na butaw kakampi mo
Ex. Tsk mahirap to may butaw brothers sa top lane."Honky" = hindi lahat ng payaso butaw. pero pag sinabihan ka ng honky tsk tsk. Butaw at Payaso at the same time
"Honky de leon" = superlative ng honky
Ex. Ang honky mo pare!."Gulooong" = lamang ang kalaban tapos nalamangan nyo sila sa clash.
"Gulong ng Palad" = superlative ng guloong super gulong...kumbaga na upset nyo ang kalaban
"Gulong maalat" = akala nyo gulong, pero hindi. almost gulong but you tried and failed.
Ex. Nice one gulooong naubos sila tara rosh muna!."Adventure" = (gank, pumitas) pumunta sa jungle ng kalaban at mang gank.
"Anak ng Diyos" = Habang nag aadventure nakakuha ng rune. O palaging nakakakuha ng rune
"Anak ng Diablo" =Habang nag aadventure walang makuhang rune, laging nauunahan o nakukuha ng kalaban
"I got one! IGO" = Habang nag aadventure may nahuling isa.
"Jungler" = Taong jungle
"Mr. Fog" = Player na magaling gumamit ng fog para makatakas sa adventure.
"Bird Kill" = Habang nag aadventure pumatay ng crow sa gedli.
"Gedli" = gilid
"CON-GRATULA-TIONS!" = Pag ikaw ay nakapitas ng 2 or more isisigaw mo to. 1thousand, 2thousand...etc ala Wowowie
"Sneaky" = Sa adventure o sa clash hindi mapatay tong player na to.
"Sneaky Serna" = 2 o 3 na kayong nag adventure di pa din mamatay.
"Sneaky de Leon" = Superlative ng sneaky. 5 na kayong nag adventure di pa din mamatay.
"na Rico Yan" = Di na nagising. naisang mabilis sa clash o sa adventure.
"na Marky Cielo" = New version ng na Rico Yan.
Ex. Tara lion adventure hanap tayo ng ma-ririco yan sa gedli"Bolt-in" = Get ready, sama na tayo
"Brave-heart" = Game time bangain natin sila 5on5
"MILF/ Abu Sayaff" = Baka ma-ambush o naambush na sa clash.
"Palag" = Wag aatras sa labanan o sa clash.
"Palag-palag" = Superlative ng palag. This is the moment. Ika nga mamatay na kung mamatay pumalag ka iho.
"Kalma" = Steady lang, wag agresibo patience is the key.
"Kalmalilong" = Superlative ng kalma. Sa rambol o clash maghintay ng tamang moment para pumalag o kaya mag regroup.
"GO!" = Pasukin/gamitan ng skill/pitasin ang kalaban. Hudyat din ng....
"World War" = Clashin na ang kalaban depende sa degree ng laban at init pwedeng 1, 2 o 3.
"Wow Mali" = Pag mali ang na GO. Lalo na pag illusion.
"FAMAS Acting" = Ang bait ng kalaban. Pag eto ang na GO sure gg kayo.
"The Last Samurai" = Ala Tom Cruise, may natira na isa sa team mo after sa clash.
"13th Warrior" = Ala Antonio Banderas, may isang kalaban na natira sa team after clash.
"Beyonce" = Ikaw lang natira sa clash...I'm a survivor ika nga.
"Nabura sa ...." = pwedeng lupa, Pinas o mundo. Mangyayari to pag na gg sila sa clash ng napakabilis
"Jose Rizal" = isang player na ginawa na ang lahat, walang chance mabuhay..PERO bago mamatay instead na tumakbo haharap sayo. FUEGO!
Ex. Bolt-in na ingat sa MILF andyan lang sila"na Hi-High blood" = Mag-ayos na kayo!! (mga kakampi)
"Gusto" = Kalabang mainit sa mata. Nagfafarm sa el teritoryo. Sinisigaw pag nakita na yung kalaban
"Gumugusto" = Kalabang mas mainit sa mata. Medyo malalim na sa el teritoryo at maasim.
"Gusto mo TALAGA" = Superlative ng Gusto. Napakainit sa mata nag fafarm ng napakalapit sa base. Pwede nang pitasin.
"El teritoryo" = Scourge/Sentinel na teritoryo nyo.
"Maasim" = Parang suka sa galawan. Madaling patayin.
"AWTS" = Favorite word pag nagkamali ka ng bato ng skill mo, o kaya napatay ka. Ano nga naman sasabihin mo eh di AWTS.
"Barog" = Nahirapan ang kalaban ninyo sa lane.
"Barog-barog" =Superlative ng barog. Hindi lang nahirapan na level gap nyo pa.
"Bida" = Pabidang kakampi. Wala namang dating.
"Bida-bida" = Superlative ng bida. . Kala mo leader ang daming tinatype at palusot pag namamatay.
"Biga10" = Walang bilang na kakampi o kalaban. Nag 4on5 na lang sana kayo.
"Mr. T" = Mr. Tower, ang player na nakalast hit sa Tore.
"Mr. B" = Mr. Barracks, ang player na nakalast hit sa Barracks.
"Chepi" = Cheap shot sa kalaban ng siyamnaputsiyam
"Siyamnaputsiyam " = Filipino word ng 99. Meaning gawin mo ng sobra-sobra.
"1-up" = Free kill na hero.
"Idol" = Pare
"Umay" = Umalis sa lane dahil sobrang na harass.
Ex. Idol chepiin mo ng siyamnaputsiyam para ma umay.
PART 2
"SULITEXT" = Pag sulit o nabato mo sa kalaban ang skill mo nang maayos.
"Leche" = Pag madaming sinasabi ang kakampi mo sabihin mo leche.
"Daming mong alam" = Pag nag trash talk on. Karaniwang sinasabe ng kabilang team dun sa trashtalker.
"Trash talk on" = Ok na pwede na kayong mag trash talk sa kabilang team.
"SISE" = May ka teammate ka na naninise sayo dahil nagkamali ka. Isigaw mo lang SISE!!!
"SISE de Leon" = Superlative ng SISE. Hindi maka-get over 3 days nang tapos yung laro sise pa din.
"LA-KAAAS" = Sinisigaw ng players na nakakapatay. Alanganamang mahina?
"WALA-NAMAN!!!" = Sinisigaw ng player pag ikaw ang na GO tapos walang bawas.
"BWAKANAMB*TCH! KA!!" = Sinisigaw ng player pag gustong makabawi o naka-kasa sa kalabang player.
"Naka-kasa" = Locked on target. Tetepesin mo ang player na to kahit anong mangyari.
"Tepes" = Kill
"Paubaya" = Hindi mo matepes yung player na to? Eh di paubaya mo sa kakampi mo
"Berdugo" = OMG Sven o Skel King na sobrang daming item.
"Bakla" = Puno pa life ang bilis tumakbo.
"Kulang sa bitamina" = Kulang sa galawang pang-youtube.
"Galawang pang-youtube" = Mga IMBAng galawan na pwede mo nang i-upload sa youtube ala HYHY. Mr. Fog at Dodgeball ay isa sa mga example.
"Dodgeball" = blink out in time kapag nag bolt or kahit anong skill na binato ng kalaban at dehins ka tinamaan.Ex. Daming alam nitong sven na dodgeball ko naman"Charity/ Show match" = Pustahan
"Kase" = Ang overall pot of gold na pinagsasama para hindi ma estafa.
"Estafa" = Team na tumatakbo pag natalo sa show match.
"Pustang Hangin" = Tataya ng hangin, kala mo may pang pusta pero wala.
"LOOK ME IN THE EYES" = Itanong sa captain ng team bago magsimula ang laban. Pag sinagot to ng captain. Sure win ang taya.
"Chopsuey" = Iba ibang player nagsama para sa show match.
"Kungsi" = Sa pub game pag tinanong ka sino kalaban mo o di mo kilala kalaban? Sabihin mo kungsi. Kungsino-sino.
"Manok" = Parang sabong lang, eto yung team na tinayaan mo.
"MINIMUM WAGE" = Pag nanalo ka ng Php 250 pataas.
"SWELDO" = Pag nanalo ka ng Php 500 pataas.
"Lugey" = Talo ka sa taya mo.
"Lugedidoy" = Malaking talo.
"Kapit sa patalim" = Huling taya mo bankrupt ka na pag natalo.
"Ilabas ang Alas" = Ilabas ang secret hero para manalo.
"Legendary" = Napalabas ang favorite line-up ng team mo na di pa natatalo.
"Mainit" = Karaniwang sinasabi pag pantay ang laban. Pag may nagtanong na bagong dati eto ang sagot.
"Malamig" = GG ang isang team for sure.
"2-peat" = 2 times nang nanalo sa show match
"Minions" = Mga kasama nang main players, sila yung nag raraise at back-up sakaling may gulo.
"3 hotdog, 1 siopao" = Pag nanalo eto ang value meal.
"3T" = Pag talo. Magtiis ka sa tubig, tinapay at tuna.
"Bulwak" = Natamaan ng ligaw na skill o aoe.
"Bulwakers" = Plural ng bulwak. LOL 2 or more tinamaan ng ligaw na skill
"JOLLY GOODTIME" = Pag nasira mo yung upuan mo dahil sa paglalaro.
"Turuan ng LECHON" =Pag maasim yung kalaban, eto ang sinasabe. Turuan ng leksyon na naging LECHON.
"Charantia" = Pag lahat ng skill mo tumatama. Esp mirana pag -aa mo 93% yung accuracy.
"Dota isa na lang" = Salitang maririnig sa MG at MI andaming pub game.
"Engkantadia" = Pag namatay ka hindi ka sa heaven mapupunta dito ang bagsak mo.
"Etheria" = Part 2 ng engkantadia. Wag kang papapatay sa version 5 players eto maririnig mo.
"Otso Kabaong" = 8 deaths
"Sweet 16" = 16 deaths
"ANG PATAY DI NAGSASALITA!" = Pag ang kalaban mo namatay na trash talk pa din ng trash talk eto sasabihin mo.
"ANG PERA DI NADADALA SA LANGIT" = Pag nakapatay ka ng farmer sa kabilang team.
" Farmer John" = Taong farm ng farm.
Lunes, Oktubre 12, 2009
Update..
Martes, Oktubre 6, 2009
Hagard!...
yan ang tema ngaun.... pagkatapos ba naman ng isang linggong walang pasok, feeling mo 2nd sem na.... ASA KA PA!!.... 1st sem palang boy, at tambak ng gagawiN.. depende lang sa mga trisem at quarter sem, pero kawawa yung mga estudyante dun sa mga paaralang malapit na magfinals... sure bucks iuurong na naman ang sembreak... kaya ngayon, simula na ang struggle... sana buhay pa ko next time ko mag post sa blog na ito..... sana buhay pa ang transcript ko.... hahahaha.... good luck sating lahat,, (naiimagine si Eric Buffer),, "Leeetsss Geettt Reaadddyy to RUMBBLLLEEE!!!!!
PS: I Love U.. (cheesy dude!)
Mga etiketa:
school ondoy 2nd sem 1st sem college life
Biyernes, Oktubre 2, 2009
Gusto mo ba pre??
dito na naman ako.. mageepal.. CRUSH!! putik parang ang cheesy na siya pakinggan ngayon.. pero sa HS siguro uso to. uso yan kasi malamang naexperience ko na yan, sabihin, "sino crush mo?" tapos sasabihin "ayoko, ikaw muna!".
pero ung topic ngayon, eh ishishift ko muna for boys na makakabasa ng walang kwentang blog na to. may tanong ako, bakit pag trip niyo isang tao(crush), bat ayaw niyo sabihin?? dyahe siguro sa girls part un kasi maiilang or magfefeeling maganda siya. pero either way, bakit di mo pa sabhin??
pero ung topic ngayon, eh ishishift ko muna for boys na makakabasa ng walang kwentang blog na to. may tanong ako, bakit pag trip niyo isang tao(crush), bat ayaw niyo sabihin?? dyahe siguro sa girls part un kasi maiilang or magfefeeling maganda siya. pero either way, bakit di mo pa sabhin??
for me, i say it straight up, like this, "UI kursunada kita..!".. loko lang.. joking aside, ganito, "oi lam mo dami nagkakacrush sau, kaya nga trip na din kita eh.." pero maraming ways para masabi mo yan..
minsan ba naiisip mo ba kung anong mangyayari senyo ng prospect(lets just use the word prospect para pede 2 sex, i mean gender ang tinutukoy) mo kung sakaling sinabi mo or hindi mo sinabi.. lets start pag sinabi mo..
SINABI MO:(ayoko mag bullet type, mahina ako magayos ng idea)
unang una, magkakailangan kayo.. badtrip to pre kung nangyari lalo na kung close kayo at magclassmate pa kayo!! tapos group mates pa! sarap.. hahaha.. pero panget talaga kung ganito mangyari kasi di nyo maeexpress ung sarili niyo and minsan ung isa tahimik while ung isa mejo maingay.. in this case naman naguusap kau pero di kayo magkatinginan sa mata, kala mo kausap ung kawalan o ung sahig. pangit nun. kasi isang rule sa pakikipagtalastasan dapat eye to eye!! (yeaba)
pangalawa, ok lang.. parang walang nangyari.. eto ang bestcase scenario.. swerte mo kung sanay ang girl na marami ang nagkkcrush sknya at wala ng epekto sa kanya kahit umamin ka man.... pero ouch nman sau kung umaasa ka... (insert: Nanghihinayang by Jeremiah soundtrack here)
Di Mo Sinabi:
eto na ang magandang part..
unang pwedeng mangyari, wala lang, sayo lang, hanggang friends ka na lang.,, lalo na kung torpe ka pa, HANGGANG TINGIN KA NALANG!! BWAHAHAA.. joke lang , wag kasi torpe dude!eto ung kadalasang maramdaman ng ibang boys, tapos nakikita mo ung bestfriend mo naging boyfriend ung prospect mo.. aray.. kaw kasi pabagal bagal..
susunod, nag Let go Move on ka.. ayos.. tuloy ang buhay,, pero after ng 3months(3month rule), nalaman mong gusto ka din ng prospect mo... eh anak ng! kahit anong gawin mo, di mo na mababalik ung dating pagtingin mo sknya kasi nalaman mong mabaho underarm nya... wawa ung both party.. bat ka mo both party, "eh kasi ung girl eh, di na inaccept ng guy"... mali tayo jan, kawawa din ung boy dati, kaya patas lang.. may interes nga lang ung sa girl kasi matagal niya bago naexperience ang kirot..
pangatlo,, di ka pa nagleletgo move on,, di mo din sinabi kahit kanino pwera sa isa mong close friend.. tapos the next day sasabihin sau ng katabi, "ui, si prospect ka pala ah".. masasabi mo sa sarili mo,, "WTF?! paano nila nalaman?? tatanungin ko nga si close friend pinagkalat niya siguro!!"... tas punta kay friend, "pre, sinabi mo ba sakanila,?? ung totoo.."... "hindi ko sinabi, baka nalaman lang nila"(pero sa totoo, nadulas to or tlgang pinagkalat ng mokong na to).. ayun, instant celebrity kau.. mangyayari na sa inyo ung ilangan part or ung ok lang...
SPECIAL CASE:
may ibang special case naman, ung parang proud na proud ka na trip mo siya.. tapos its either pag nasa harap mo na, ok lang.. or mahihiya ka... BLUSHES..
ano man yang nafefeel mo, ok lang yan.. pero remember, BOOKS BEFORE BOYS.. hahahaha... baka magaya ka sa katorse,, sige ka...
Moral Lesson: Pag di mo mahal isang tao, huwag mo buntisin... ---- diba Gabby? rebound mo si nene eh.. :D
BTW ung mga pics sa taas, ex girlfriends ko.. seriously.. (ASA PA KO!! MALAKING ASA!! haha)
"15000 years ago, we knew that earth is the center of the universe... 5000 years ago, we knew that the earth is flat.. Imagine what you will know tomorrow..." - MIB
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)