Lunes, Nobyembre 2, 2009
Insufficient Funds
Kaytagal na ng huli akong nagpost.. kaya ishashare ko na naman ang mga naiisp kong walang kwentang mga bagay. pero sa totoo lang, natatalo na NYY kaya napili kong mag blog nalang..bawi na lang sa game 6..
May mga panahong nagigipit ang mga tao. hell yeah gipit ako ngayon kasi sembreak at walang baon. pero may mga ibang instances din na nagiging "insu" ang mga tao.(insu=walangpera)kaya try ko ishare ang mga time or circumstances na ako ay insu.
1.Dating Allowance - nakita ko lang tong term na to sa fb.pero lately di ko na to naeexperience eh..pero mabigat din to sa bulsa kasi kailngan mo magipon at the same time, masatisfy ang mga needs mo as a lalaki..
2.Bayarin - nangyayari to pag nasa skwelahan ka pa, sa dinami dami ng babayarin, mga libro, test papers, tshirts, extracurricular, pati pangkain mo, wla ka na. dito mo mararanasan ang paghihirap.
3.LOAD - load. kaya nakacaps kasi yan ata pinakamabilis maubos na bagay na hindi tayo nabubusog. ang p30 mo na load ay pwedeng maubos sa isang 10mins na tawag.eh pag nasa high school days ka, adik ka sa unlimited, mauubos talaga pera mo. pero ngayon ata hindi na uso to.nakaline na ang mga tao ngayon.(sosyal)
4.Pagkain - ang bagay na hindi tatanggihan ng mga tao. basta may pera, kain lang. dito nauubos lately ang aking manee kasi kakagutom din pala pag walang ginagawa.
5.Libre - pag kuripot ka, malamang di mo to naeexperience. pag feeling mo galante ka, syempre maggigive in ka. pero di mo alam, mangyayari ang iba sa taas, den ano na? wala ka ng pera? XD
6.Sugal - bilang isang mabuting bata, pusoy, lucky 9 pati in between lang card games ko.di ako hardcore magsugal. pero ang iba hindi makontrol. dito malalaman ang disiplina, taya ba o uwian na. trinay kong magtaya, ayun talo.
7.Bisyo - nakoo. mahirap to. maraming ibat ibang bisyo.ilan nalang dito ang paginom, sigarilyo, at malala pa ay ang drugs. bisyo din pala ang babae =). kaya kung suklob ka na sa katotohanang ito, kailangan unti unti mo ng bawasan at pag natuluyan, mapipigilan mo na din to.
8.DOTA - di naman to dapat kasali pero para sakin ksama to. kahit mga nerd, naeexperience ata to? di ko sure. pero halos lahat ng lalaki nahuhumaling dito. especially those without girlfriends. eto ang kanilang tanging libangan. bang sapul ako. may isang example nito. may friend ako na adik na adik dito. siya talaga ang udyokmonyo sameng lahat. pero after sometime, nakabulag ang tanga. nagkagf. after nun, di mo na siya makikita sa shop kundi sa piling ng kanyang pinakamamahal.
yung mga nasa taas, para sakin lang yan. kung meron pa kayo, kindly share. alam ko marami pa dyan, pero dahil ako ay gutom na, bibili na ko ng aking pagkain. XD
(ginaya ko lang ung bulleted type ng blog sa blog ni moymoypalaboy)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)