Grabe yung bagyong to. Akala ko sandaling ulan lang siya at parang mga nakalipas na mga bagyo lang kala ko titila din siya.. eto ung shashare ko in 3 little chapters ung experience ko sa bagyong to..
1st Chapter(Bahay going to UST)
-10am class ko. May quiz sa Math. 10am un. Wala pa akong aral. Patay na. Nagising ako mga 7am kasi sabi ko magaaral ako. Di ko natupad. Palugit, gigising ako 8am. Nagising ako 830am. Masarap kasi matulog syempre malamig at malakas ulan. Naging "The Flash" na naman ako. 845am ok na. Naglakad ako sa labasan sabi ko magtataxi nlng ako. eh pagtingin ko wallet, p*ta, naiwanan ko baon ko. OMG!! pero keri lang, may extra naman papabayaran ko nalang. si kuya driver naman, madada, wala ako sa mood magsalita pero pinagbigyan ko na.. lakas tlga ulan, nung nasa lacson na, tsaka nagreklamo si kuya, babaha pala dito ika niya.. ngayon pa nagreklamo.. aun, habang naglalakad ako patungong aming kolehiyo,dami ng taong pauwi, iniicip ko, "putik baka pagpasok ko uwian na naman to".. aun na nga, nakita ko mga cm8 ko, mga sampu lang kami andun.. inanounce, Classes are Suspended... GRABE!!! wag naman ganun..
napagdesisyunan nameng mag LOPEZ muna, 2nd floor un na may kainan din at comp shop sa gilid, aun kumain kami at naglaro hngng 1pm.. napagtanto naming gusto na naming umuwi.. pagkasilip namen, hngng bewang na oMG!!! omg TLGA!!! hahahaha..
2nd chapter(Lopez Canteen hngng MRT Station Ayala)
-sabi namin hngng 3pm maghihntay kaming humupa, kaso wala na talga eh.. kelngan na.. ako unang lumusong mejo maseselan kasi ung 2 kong kasama.. sira ang leather, basa ang pants,,.. naglakad kami sa kalye, sa may gutter, kasi pag sa daan tlga, aabot sa singit ung little waves.. katabi namin sarisaring basura, punongkahoy at iba pa.. pero infairness malamig ang tubig.. after mga 45 mins na lakaran, umabot kami sa bambang station.. 2 na lang kami. ung isa sa unahan lang nakatira at nagside car na, ang singil ay p50!! grabe ang tubo, makakauwi na ko na ganun pamasahe galing maynila papunta samen.. anyways.. lrt... sobrang tagal,.. sobrang sikip.. i guess mga 12 stations muna bago ako nakababang edsa.. grabe di umuusad ung mga tao sa overpass going MRT.. baha na din ang pasay.. basta walang daan na hindi baha.. nakarating ako sa mrt station and waiting sa train...... and waiting...... and waiting.... aun dumating din.. 30mins ata bago dumating ung train... naaliw ako sa view ko dun sa platform... mga tao, naglalakad sa gitna ng daan.. mga sasakyan, nakahinto, mga tao sa loob non, alam ko nafefeel, gutom siguro... hahahahaha.. dumating xa, 5mins bago makalabas mga tao galing train, 45 secs, standing room nalang... dun ako pumwesto sa tapat ng pintuan para makalabas kagad.. nung umusad na papuntang magallanes, grabe tao, imba, 8 tao lang ata nakapasok.. may warfreak pa.. at last nakarating din ng MRT Ayala.. gulat ako dami tao sa ticket station...
3rd Chapter(Ayala to Bahay)
-Pumunta ako ng sakayan papunta samin, grabe ang pila sa jeep, parang pila ng ticket pag bibili ng ticket,.. sabi ko, walang mangyayari sakin dito, kailngan ng mag alay lakad ng maaga.. naaalala ko pa nun, 5pm.. sabi ko mkkrating ako ng bahay, mga 6pm.. kaso hindi, dahil sa isang militar na nagbabantay ng grandstand na shortcut papunta sana samin.. tinanong ko kung pwede bang dumaan, sabi niya hindi pwede... sabi ko bakit, hindi kasi pwede... grabe..... ganda ng sagot.. sabihin ko sana, magjojogging ako kaya ppunta akong grandstand... badtrip noh.. inikot ko pa ung golf course pati ung grandstand(para n nga akong nagjogging).. aun, home sweet home din...... time check: 630pm... so estimate ko, 4 hours & 30 mins ako sa byahe...
Pagdating ko ng bahay, parang ang sarap pakiramdam.... feel mo safe ka na... di sa feeling na nakaligo ka na at lahat lahat.. parang ang sarap ng feeling pag naabot mo na ung goal in spite of all the hardships in life... like the flood and the winds that tries to push you down... You saved my life,, ANG CHEESY!! cheesy mo dude..
Lesson Learned: wag iwanan ang pera, kasi mapapautang ka.....